Ito ang nagsilbing platform niya upang maabot ang tatlong bagay na pinakamimithi: ang magkaroon ng maraming ubeng papel, sumikat at paghumalingan ng mga tsiks kahit alam niyang sa sarili niya ay ‘di siya kampante.
Musika ang bumubuhay sa katawang lupa niya. Ito lang ang tanging likidong dumadaloy sa kaniyang tadyang, ayon ay sa pagkakalarawan ng magulong utak mayroon siya. Mahaba ang buhok at animo’y mapagkakamalang marungis ang dating, pero sa totoo, metikuloso siya. ‘Di alam ng karamihan, kahit pudpod na ang mga daliri sa kakapintik ng kuwerdas ng kaniyang completely solid-body electric guitar ay tatlong beses sa isang buwan kung ito ay magpamanikyur. Daig pa ang kahit na sinong babae o mga lalaking walang ginawa kundi magpanggap bilang lalaki. Sa puntong ito, kahit dalawang taon na sa industriya ang banda niya ay ‘di pa rin alam ng kahit ninuman, maging ang kaniyang bandmates, ang tunay nitong pangalan. Madalas lamang siyang tawaging boss, master, hoy at Basang Anino. Basang Anino pala ang tawag sa grupo nila.
Ngayon ay iniikot nila ang bawat sulok ng Pilipinas para i- promote ang album nila. At syempre, para na rin makapaghanap ng Maryang mauuto upang sila’y sipingan at makapag- iwan ng kasaysayan sa bawat lugar. Habang lulan ng kanilang bus na mala- spaceship ang dating dahil ang lahat ay lumulutang, ‘di dahil sa gravity, kundi sa amats at cocaine, biglang may inihayag itong si bida sa grupo.
Nangangati na naman ang bayag ko. Kailangan ko ng jumingle. Mayordomo! Ihinto ang sasakyan.
Pagkatapos magpakawala na parang dam ay naupo ito sa isang bangko malapit sa lugar kung ‘san niya ginawa ang krimen. “Ayos ‘to a! Tahimik. ‘Tis the kind of life I want to achieve.” Tumayo na ito upang pumanhik sa bus nang mapukaw ang mga mata niyang mapupungay ng librong nakapatong mula sa pinagkaupuan nito. Natatandaan ko ang librong ito.
FLASHBACK. “Pa- autograph po.”, ani ng isang wirdong lalaking lumapit sa kaniya. “Anong pangalan ang ilalagay ko dito?”, sambit ni bida. Sinagot naman siya ng iling na tila nagdadalawang – isip kung ibibigay nga ba ang pangalan ngunit sinabi rin nito sa taranta… “Orbil!” Sabay larga nang sobrang bilis, talo pa ang G6 kung kumaripas.
BACK TO REALITY. “Now, I remember.”
Sunod na destinasyon ang Tagaytay kung saan ang nguso ng bulkang Taal ay ‘di na nahiyang ipangalandakan sa publiko ang alindog mayroon man ito -- tanaw na tanaw mula sa Palace in the Sky na lalo pang ikalulugod kung gagamit ng teleskopyong iniaarkila sa halagang limang piso lamang. Pagdating sa venue, pagod ang lahat maliban sa mga matang matatakaw ng bida. Kanina pa nito tinititigan ang librong napulot. Nagbubungan – tulog, nakatulala na tila hinihipnotismo. Bago pa man buklatin ang libro ay tumawag mula sa cellphone niyang kakarag- karag, dahil sa hirap ng signal, ang kaniyang manager. “Hoy! May ipapakiusap ako sa’yo. Ang pamangkin ko. She’s dying and her last wish is to hear you sing.”
2 DAYS AFTER THE CONCERT IN TAGAYTAY. HOSPITAL.
(SINGING)There are no words, to paint a picture of you girl. Your eyes and those curves, it's like you're from some other world. You walk my way, oh God it's so frustrating. Can I be your superman?
Sa kahuli- huliang notang binitawan niya ay ito namang pagbawi sa anghel na nakakubli sa katawan ng babaeng ito. Napaluha ang bida at iwanan sa tabi ng pasyente ang librong napulot nito.
Bago pa man tulyang lumisan, pumasok ang nars at tinanong siya, “Sir, kayo po ba ang boyfriend ni Sachico?”