Kung ibig mo akong kilalanin,
Sisirin mo ako hanggang buto,
Liparin mo ako hanggang utak,
Lanlangin mo ako hanggang kaluluwa,
Hubad ako roon mula ulo hanggang paa.
Maganda at mura pa ang Reyna, nakatapis ng telang puti at itim, mamula- mula ang kanyang mga labi maging ang mga kuko nito sa daliri. Ito ang sinasalaming pigura ng isang babae sa aking isipan. Oo nga’t si Adan ang naging supremo, siyang unang tagapagmana ng paradiso subalit ‘di maikakailang si Eba ang dahilan ng kamalayan ng sanlibutan. Salamat sa kaniya - isang babaeng taglay ang rikit at kagandahang loob ni Birheng Marya.
Maraming tao ang hindi nakaiintindi sa’yo. Maging ang mga inaasahan mong aakay ay wala riyan sa tabi mo. Minsa’y naaapid at nakaririnig ng mga pang- aaping labis mong ipinanliliit. Tinimbang ka ng kapitalismo, kulang ka! Tinimbang ka ng seksismo, kulang ka pa rin. – mga katagang nag- iiwan ng marka sa’yong busilak na puso, magpahanggang sa ngayon.
Babae, ikaw mismo ay lumulutang sa mga eskala ng de-silindrong kalapati ng dambuhalang bigat. Nang lumaon, nagbago ang panahon at nagbago ka rin. Noon, ikaw ay itinuturing na isang diyosa; ginagalang, niluluhuran at kung tawagin ay Babaylan. Ngayon, isa ka pa ring diyosa; tangan ay likas papaya, mahusay sa labada at sahod ni mister ay pinagkakasya. ‘Di lamang iyon, ika’y lumiit, naging malambot at nakipag-agapay sa dalawahang palo ng mga barko na inaalon ng kamalasan ng paghahanapbuhay. Ikaw ay nagmistulang kahawig na ng puwang sa isang pilamento.
Ngunit pagsibol ng karapatan, paggayak sa karapatang pangkababaihan ang iyong iniwaksi. Hindi ka natakot at isinulong mo lalo ang tangan mong lakas. Nakabibilib isipin na kahit kinukutya ay tapang mong hinaharap ang kritisismo. Bagkus, mas lumalakas ang iyong kapangyarihan – kapasidad, kagandahan at karunugan. Heto ngayong isang hamon para sa iyo: pananatilihin mo ba ang umiiral na pagtingin sa’yo bilang mahina? O gagayahin mo ba ang mga Filipinang buong –lakas na kumilos hindi lamang para sa sarili, gayundin sa pambansang pagpupunyagi?
Kapasidad. Dahil sa babae ka, ito ang iyong naging tinig upang maiwaksi ang diskriminasyon mula sa kabilang panig. Ika’y nakipagsabayan at pinatunayang kaya mo rin. Marami kang suliranin: nag-aalaga ng bata, naglilinis ng bahay at naghahanap-buhay kahit mababa ang kapalit. Ngunit malaki ang iyong tiwala na madadaig mo ang lahat ng sagabal, kahit pa ilang daang unos ang dumating. Kung tutuusin, kaya mong labanan at talunin ang isang diktador ng sandatahan, bakit hindi? Saan pa’t paroroon din sa kaitaas- taasang iyong hinahangad. Isa kang sakdal sa yaman ng linang at diskarte. Tinalo mo rin sa ilang bagay si Adan. Naging mas maparaan at maintindihin. Hindi binatid ang mga paghihirap, na dugo’t pawis ang
ipinunla, lurayin man ng lipunan. Ito pa nga’t iyong naging inspirasyon upang makarating sa rurok ng tagumpay. HALIMBAWA: Babaeng taga –hukom.
Kagandahan. Dito ka nakilala. Dahil sa babae ka, ika’y hinahangad, sinasamba at
ipinagtatanggol. Ang iyong kariktan ay maihahalintulad sa isang namumukadkad na bulaklak. Kahali- halina at kaakit- akit ngunit bakit ang iyong kapalaran ay tuluyang nagbago? Sa palad ng lalaki, ikaw ay naabuso at ang kahinaan mo ay malayang pinagsasamantalahan.
Ang tingin sayo'y pambahay na lamang. Pati ang hinaing mo ay napinid, at lalo namang ipinagkakait ang iyong karapatan. Mahina ka nga ba tulad ng sabi nila? O mahinang tinitingnan dahil `yon ang gusto nila? Ilan lamang ito sa mga katanungang gumagambala sa iyong kaisipan. Magkaganun man, ika’y patuloy na bumabangon at pinatunayan mong ika’y may maibubuga.
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan ay ginamit mo para sa kaunlaran. Ang pinto ng pag-unlad na sa ‘yo ay dating laging nakasara, ngayon ay nakabungad na. Harapin mo, buksan mo, Itangi ang iyong pagkatao. HALIMBAWA: Nanay.
Karunugan. Dahil sa babae ka, inakalang ikaw ay mahina. Ngunit tinanggap mo ang iyong kakulangan sa bisig at lakas at bumawi sa kaisipan kung kaya’t ikaw ay napansin at hinaing mo’y napakinggan. Upang ikaw ay lumaya, ipinaglaban mo ang iyong kagustuhan. Bumuo ng organisasyon at ikinalat sa tanang daigdig ang mga panaghoy. Pagbabago ang iyong hinangad - sa propesyon, gobyerno at pangkalahatang kaunlaran. Tunay ngang ikaw ay instrumento para sa malaking pagbabago – pagkakapantay- pantay, sa kulay man, sa lahi at sa estatura mayroon ang isa sa buhay. HALIMBAWA: Guro.
Ikaw nga, na sa madlang pagsukol ng inunang hilahil ay bumangon at nagpakasawalang hawla. Itinaas mo ang iyong kalayaan at ginamit sa tamang dahilan. Ika’y nagpakatapang, nanindigan at nilikha ang kasaysayan. Ang kagandahan ng lakas at lakas ng kagandahan ay iyong inialay sa bayan.
Kaya BABAE, TAGUMPAY KA NG BAYAN!

- isinulat ng isang lalaki
No comments:
Post a Comment