Tuesday, April 6, 2010

Paraos

kwentong pagdumi, kaiinitan ng araw (biyernes)

-----------------------------------------------

May naikwento ang classmate ko sakin nung haiskul pa kami tungkol sa pagdumi ng isang tao. Kanina, pakiramdam ko ay naramdaman ko lahat ng iyon. Walang hiya, sumama ang tiyan ko, naghanap ako ng tissue, wala. Naglibot ako, palakad-lakad at baka mawala ang nararamdaman. Walang pagbabago. Umiikot, kumikirot.

Malapit ng dumungaw si kaibigan.

Nakita ko si Kim at humingi ng tissue, meron daw sa banda roon, binigyan niya ako ng isang fly ng Jolibee tissue, sabi ko damihan niya at napu-pupu na ako. Umakyat ako sa 2nd floor kung saan konti ang tao, ngunit pag-akyat ko ay may mga dancers na nagpapraktis at labas-pasok sa comfort room.

Ako ang tipo ng tao na hindi mo mapapa-pupu sa hindi ko bahay. Kaya minsan, talagang hirap ako. Nag-iinarte pa. Bwisit, malapit na dumungaw si kaibigan.

Minabuti kong pumunta sa kabilang building kung saan recommended ito ng mga kaibigan kong sina Arnie at Jonathan na masarap mag-pupu raw doon at kumpleto ng sabon at tabo. Palibhasa, doon na rin ang tambayan nila. Tumakbo ako papunta run, pagdating ko sa pintuan. NAKA-LOCK!!

Kaboom! Tagaktak na pawis ko.

Hindi maibsan ang nararamdaman ko. Para bang sabik sa pag-ibig ng pwet ko at ng toilet bowl. At yun, naisipan kong umakyat sa 5th floor.

At yun nga, umakyat ako, pagdating ko sa 5th floor, walang tao sa hallway, pati sa CR, takbo! Swerte, malinis ang toilet dun. Panalo. At dun na nga nag-umpisa ang pag gawa ko ng aking obra maestra. Walang pumapasok na tao. Winner ang CR!

Maya-maya, may pumasok, maingay ang takong. ‘Di naman ako nagtaka. Tapos binuksan niya ang katabing cubicle, tapos pakiramdam ko ay umupo siya o basta parang ramdam mo ang ginagawa niya sa kabila.

Sabi ko sa sarili ko na mukhang may food poisoning at dito rin naisipan pumunta.

After 10 secs, isang mahaba-habang tunog ng ihi ang nadinig ko. Bangis! Grabe!

At nadinig ko na naman ang tunog ng takong ng sapatos. Umalis.

Maya-maya pa, tapos na ako at tumayo ay naisipan kong bumwelo palabas. Tutal tahimik na at kalmado na ang sitwasyon. Nadidinig ko nalang ang mga taong naghuhugas ng kamay sa lababo at tunog ng gripo.

Paglabas ko, nagme-make-up yung dalawang tao. Dedma lang ako since sanay na rin ako sa building namin na may mga bading na mukhang babae na naglalagay ng kolorete sa mukha.

Tumagal ng mga 20 segundo bago ko napansing naka-skirt na uniform sila na pangbabae.

At halos 20 segundo na rin silang nakatitig sa akin habang nag-aayos ako ng buhok. Parang may mali yata...

Dahan-dahan kong binuo ang sarili ko at napag-alamang CR pala ito ng babae.

Nagtawanan nalang kami at umalis na ako at sinamaan ko ng tingin ang sign ng babae sa gilid ng pintuan.

Minsan na nga lang dumumi, sablay pa yung lugar.

P.S

Ganun pala umihi ang mga babae. Katakot. Para talagang gripo na may 2 inch na butas yung pressure. Haha... Anyway. Apir.

No comments:

Post a Comment