Monday, April 5, 2010

ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON (repleksyon)

I.Dahilan ng pagkakasulat

Sadyang malikhain ang pagkakalimbag ng akdang ito sapagkat ipinapakita’t ipanamumutawi nito sa bawat mambabasa ang mga maseselang pangyayari sa nakaraan gayundin ang repleksyon at ng magiging epekto nito sa ating hinaharap. Layunin nitong buhayin ang sentimyento ng kalagayan ng“Pilipinas sa loob ng sandaang taon” - panahon na kung saan napasailalim sa kamay ng mga Kastila ang inang bayan; kung saan itinuring na kanser ng lipunan ang pamahalaan; kung saan nabigla ang lahat sa malaking pagbabagong anyo at pagpapalit- hubog nito at iba pang mga usaping may kinalaman sa kinahinatnan nito.

II.Paksang Diwa

Maraming talakayan ang siyang umusbong nang maganap ang

panlulupig sa atin ng mga Espanyol, isang napakalaking argumento para sa mga mamamayang Pilipino upang tanggapin ang sentinaryong ito. Ano kayang motibo ang siyang namukod tangi sa likod ng pagtutol? ng pagtanggi? ng pagsuway? at ng pagbasura sa naturang pamamalakad sa atin? Ang kasagutan ay upang mabigyan ng tamang pansin ang kalagayan at kasaysayan sa pakikibaka para sa disenteng pamumuhay at kabuhayan ng maralita na itinuturing na pangunahing sentro ng urbanisasyon sa Pilipinas.

III.Bisang Damdamin

Ipinapakita ng bahaging ito kung papaano mas pinahihirapan ang mga salat sa buhay na siyang pinakamarami sa Pilipinas at ito ay sa kadahilang MALI ang naging pagpapatakbo sa mga patakaran ng pamahalaan. Kung ating pagbabasehan ang sitwasyon natin sa ngayon at sa panahong kinalak’han ng karamihan sa ating mga yumaong Pilipino na nagbuwis ng kani- kanilang buhay laban sa mga mapanirang elemento ng ating bansa partikular na sa mga mananakop ay mas tinuringang maswerte tayo sapagkat ating naranasan, kung hindi man sandaang porsyento ng ating kalayaan, ang kagustuhan natin sa iba’t ibang bagay, larangan at karapatan sa pagsasalita, pamumuno, pagmamay-ari, pagtutugis, pagkikritiko at pamamahagi. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga aksyong patuloy nating minimithi katulad ng ating mga ninuno. Nakalulungkot mang isiping hindi nila natamasa ang mga ganitong karapatan sapagkat sila’y pinagkaitan, ngunit hindi sila nagtapos sa puntong yaon. Ito’y kanilang ipinaglaban hanggang sa dulo upang mapatunayang sila ay kailanma’y hindi susuko kundi mamumuhay nang buo ang paninindigan at prinsipyo.

IV.Bisang Pangkaisipan

Malaki ang naging umpluwensya ng mga kaganapang ito sa ating buhay. Ito ang nagsilbing ating daan upang mabigyang kilos ang bawat hinaing ng mga sinaunang Pilipino na humihingi ng karampatang pansin sa ugnayan at sa usaping karapatang pantao. Bilang isang Pilipino ay napakamarubdob ng ating mga hangarin sa buhay at hindi natin hinahayaan na tayo’y basta na lamang apak-apakan ng ibang tao lalo na pagdating sa ating mga karapatan. Handa nating ibuwis ang meron tayo- ang lahat - upang makamtan ang kaisa-isang minimithi, ito ay ang pagkakaroon ng KATAHIMIKANatng KALAYAAN.

V.Bisang Pangkaasalan

Napakabigat na hamon para sa mga mamamayan ang pagkitil at pagsugpo sa malawakang kahirapan nadulot ng pananakop sa atin ng mga dayuhan sa loob ngsandaang taon partikular na ng mga Kastila. Balakid ito sa layunin ng bawat isa na umunlad at guminhawa ang buhay. Upang ito ay maisakatuparan, maraming mga programa at proyektong inilunsad ang pamahalaang lokal at nasyunal, mga pangrehiyon at pandaigdigang samahan ang binuo ng upang solusyunan ang problemang ito. Subalit hindi magiging matagumpay ang anumang hakbang kung hindi magagawang tukuyin ang sanhi o ugat ng kahirapan sa konteksto ng lipunang binibigyang-pansin.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga itinuturing na sanhi ng kahirapan ng mga mamamayan sa tulong ng mapanirang pagpapalago sa sistema ng ating pamahalaan ng mga dayuhan.

Hindi Makatwirang Sistema ng Pagmamay-ari ng Lupa
Nanatiling nasa kamay lamang ng iilan ang pag-mamay-ari ng lupa sa bansa at malaking porsyento sa mga nagmay- ari rito ay ang mga Espanyol. Marami ring mga magsasaka ang walang sariling lupa. Karamihan sa kanila ay mga manggawang bukid ng mga malalaking hacienda na pagmamay-ari ng mga panginoong may lupa. Sa halip na pakinabangan nila ang kanilang ani ay tumatanggap lamang sila ng kakarampot na suweldo na hindi sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kawalan ng Pagpapahalaga sa Kasaysayan

Nasalamin sa panahongito ang neokolonyal na sistema ng edukasyon ang kawalan ng pagpapahalaga sa katutubong kalinangan at kasaysayan.

Lubog sa Dayuhang Pagkakautang
Lubog sa kumunoy ng pagkakautang ang Pilipinas nang dumating ang mga manlulupigat mistulang inagaw ang lahat ng yaman sa atin. Matindi ang epekto ng malaking pagkakautang ng mga mahihirap na bansa sa mga programang panlipunan nito. Sa halip na ilaan sa patubig, kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pang batayang serbisyong panlipunan ay napupunta lamang ito sa pambayad utang.


Atrasado at Dekadenteng Kultura
Mahalaga ang papel ng kultura sa pagsasakatuparan ng layunin ng isang bansa na umunlad at guminhawa. Subalit magsisilbi lamang itong hadlang kung ang katangian nito ay atrasado at dekadente. Ilan sa mga manipestasyon ng kultura na may ganitong katangian ay ang laganap na katiwalian sa pamahalaan lalo na’t ang mga dayuhan ang siyang nangalap ng maling pagpapatakbo sa ating pamahalaan noon.


Kawalan ng Katatagang Pampulitika
Mahalaga rinang papel ng katatagang pampulitika upang tiyakin na hindi maikokompromiso ang interes ng sektor pang-ekonomiya. Ang pamunuan na puro bangayan, pagpapakitang-gilas, gipitan at pansariling kapakanan lamang ang siyang inatupag ng mga prayle noon nung tayo’y kanilang sinakop. At ito ay hindi nakabuti sa ekonomiya at sa mga mamamayan natin.

Panggamit ng Hindi Angkop na Modelong Pangka-unlaran
Ang modelong pang-kaunlaran ang siyang balangkas na ginagamit ng isang bansa upang patakbuhin ang ekonomiya at mapaunlad ito. Isinasaad at ginagabayan ito ang patakaran ng isang bansa na may kinalaman sa pananalapi, pakikipagkalakalan, paggamit ng likas na yaman, empleyo, pagbubuwis, pangungutang, ugnayang panlabas at iba pa. Ang bawat isa nito ay may binabagayang sitwasyon o kondisyon. Samakatwid, makasasama sa kapakanan ng bansa at mamamayan nito ang paggamit ng isang development model na idinikta lamang ng ibang mas malakas na bansa tulad ng ginawa sa atin ng mga mananakop lalo na kung ito ay hindi angkop sa konteksto ng kasaysayan, kultura, ekonomiya at pulitika ng bansa..

VI.Implikasyon sa Lipunan

Higit natin mauunawaan ang kasalukuyan kung hindi rin natin alam ang nakaraan. Mabibigyan lamang natin ng konkretong balangkas ang hinaharap kung mayroon tayong analitikal na pagtatasa sa kasalukuyan na malaya sa panatisismo at anumang sariling paghuhusga o pagkiling.

Ang paninindigan natin at pananaw sa kasaysayan ay kailangang maka-PILIPINO. Ang ibig sabihin nito, ang pag-aaral sa kasaysayan ay kailangang isaalang-alang; una at higit sa lahat ang interes ng lahing Pilipino. Hindi rin dapat na panghinayangan ang maaaring pagkawala ng mga kaibigan, gaano man sila kayaman at makapangyarihan; hindi rin dapat umiwas sa pagsalunga sa mga institusyon na nagsisilbing sagabal sa radikal na transpormasyon ng lipunan. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay dapat maging kagaya ng isang mangagamot na nag-oopera ng kanyang pasyenteng may tumutubong kanser, mga kanser ng lipunan.

Isa pang insidente na nagsasaad ng ating pagkakakilanlan ay ang katanungang “Who discovered the Philippines?” Ito ang karaniwang tanong noon sa mga estudyante ng kasaysayan. Si Magellan!! - ang may katiyakang katugunan ng mga estudyante. Umangal ang mga makabayang Pilipino. Mali nga naman iyon. Tayo ay may sarili nang mayamang kultura at tradisyon bago pa man tayo napasailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila. Ang sumalaksak ng ganitong kaisipan sa atin ay ang maling edukasyon. Binago nila ang tanong. “Who rediscovered the Philippines?” Si Magellan! Okay na ito, sabi ng mga edukador? Tama na ba ito? Mali pa rin!!

Ang konsepto ng ganitong baluktot na pagtanaw sa ating kasaysayan ang naging ugat ng ating “PAMBANSANG INFERIORITY COMPLEX” at kawalan ng PAMBANSANG DIGNIDAD hanggang sa kasalukuyang panahon. Hindi natin ipinagmamalaki ang kadakilaan ng ating mga ninuno dahil tayo ay nadiskubre o muling nadiskubre lamang ng mga Kastila. Mistula tayong mga primitibong tao na nakasuso ang pag-unlad ng sibilisasyon sa mga dayuhan, ito ay isang napakalaking kamalian!

VII.Kahalagahang Pangkatauhan

Ayoko mang sabihin ito sa wikang Ingles pero itutuloy ko pa rin.

“The truth is that I didn’t want the Philippines…to SUFFER! I did not know what to do with them I heard political news until midnight and Iwent down on my knees and prayed Almighty God for light and guidance. And … it came to me this way: 1) that we could not give them back to Spain–that would be cowardly and dishonorable; 2) that we could not turn them over to Japan or America… that would be bad business and discreditable; 3) that we could not leave them to themselves–they were unfit for self-government– and 4) that there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s grace do the very best we could by them, as our fellow men for whom Christ died.”

Eto ang siyang aking naisip at naiisip habang binabasa ko ang teksto. Sa titulo nitong “Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon”, masasabi kong ito na ang siyang Hubad na katotohanan na nais nitong ipabatid sa mga mambabasa.

2 comments: