Monday, April 5, 2010

Ay Buhay

Ang poot at galit na dati’y nagkukubli

Nagpakasa- walang hawla at ito’y nagwagi.

Itim na liwanag, patuloy na humahalili

Sa puso kong ito na ‘di mapakali.

Sana’y dumating ang natatanging panahon

Na maibsan yari ang sakit na yaon

Sakit na unti- unting kumakain sa kaluluwa ko,

Sakit na unti- unting namamalagi sa puso ko.

Gayumpaman, ika’y narito sa ‘king tabi,

‘Di malaman kung bakit humihindi,

Itong lungkot na una ng naging kasiyahan

Ngayon ay napalitan ng sobrang kahihiyan.

Salamat at ako’y iyong inintindi,

minahal at marahang ipinamutawi

Ang kasalanang ito na kailanmay ‘di na mauulit

‘Pagkat ako ngayon ay nagsisisi.

No comments:

Post a Comment