Monday, April 5, 2010

un-PADER-ctable


Pader: Araw, gabi. Sa ilalim ng mapupulang liwanag sa itaas. Sa anyong konkreto at sa hubog ng makalumang panahon, ako ay nabuo. Sa aking pagkakatirik at pagkakatayo, maraming pangyayari na ang siyang aking nasilayan – mga kaganapang…

Prosti: Ahhhhhh… Sige pa! tuloy mo lang… Ahhhhhhhhhh…ahhhhhhh…

Pader: Nang biglang, (nagring ang cell phone)

Prosti: Hello, sino ‘to? (Nahulog ang dalang cell phone habang nakasayad sa pader) Anak kooooo!‼ (umiiyak)

Pader: Bang‼! Mga kaganapang DUGO! Siya’y nagpakamatay. Isa siyang ina na nagpapabugaw upang kumita para sa kaisa- isa nitong anak na babae. Naroon siya. Nakahimlay, walang buhay… patay.

Taong grasa: Tulog na ‘king baby nang mahimbing. Si mommy ay nandito, umaawit. Baby? Gising ka na! dedede ka pa eh, anak! Anak ko… hahaha… huwag… (balisa sa pagkawala ng anak makaraan ang dalawang taon)

Pader: Kayo na mismo ang humusga. Sa araw na ito, pakiramdam ko’y parang babagsak ata ako sa aking kinalalagyan nang biglang… ahhh, ano ito? H2O? Hindi eh! Mamasa-masa… malagkit… Oo, tama ang hinala ninyo, ito ay …

Nota: Lalabas na… ahhh! Ahhhhh…

Pader: Tamod! Sa pagdaloy ng mainit na likidong ito sa aking kahubdan ay tila nabahiran ako ng pagkalibog.

Pader: Heto na naman ang hagulgolng hangin na tila nagbabadya ng isang malakas na pagbuhos ng ulan. Ayaw ko nga ng ganito eh dahil nabubulabog ang aking teritoryo lalo na sa pagdating ng grupo ni Badong. Sila ang mga sankaterbang plastik na umaaligid- ligid, mga damong ligaw, mga boteng babasagin na maaari nang gawing sandata at madami pa. Wala na atang katapusan ang buhay kong ito. Kailan kaya ako hihimlay? At kailan rin kaya magtatapos ang paulit- ulit kong kwentong ito na ako ang bida? Darating pa ba kaya ang panahong ito gayong ako’y isang hamak na PADER lamang na naka- iskedyul para gibahin bukas. Siguro nga ‘pagkat ako’y puno na rin ng mga lamat gawa ng aking pagtanda.

No comments:

Post a Comment